Suporta ng HA sa mga pasyente ng mga Etnikong Minorya
Mga Serbisyong Interpretasyon
Sa kurso ng proseso ng paggamot, ang mga pasyente at staff ng HA ay maaaring mangailangan ng serbisyong interpretasyon upang mapadali ang kanilang komunikasyon. Ang mga pasyente at mga kawani ng HA ay parehong maaaring humiling sa kinauukulang ospital o klinika na maghanda ng serbisyong interpretasyon para sa mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan. Kapag kinakailangan ang serbisyong interpretasyon, maaari itong ihanda nang maaga sa pamamagitan ng iskedyul o ad hoc na batayan, alinman ang naaangkop upang mapadali ang komunikasyon sa pagitan ng mga pasyente at HA staff. Kabilang sa halimbawa ng mga kaso, kung saan ang naka-iskedyul na serbisyo ay mas naaangkop, ang mga pasyente na may medikal na appointment sa espesyalista at mga serbisyong pangklinika sa pangkalahatang outpatient; samantalang ang ad hoc service ay magiging angkop para sa pagpasok sa panahon ng emergency.
Bilang karagdagan sa serbisyong interpretasyon, kabilang sa mga materyales na dinisenyo para sa pagpapahusay ng komunikasyon sa mga pasyente ang mga cue card ng karaniwang tugon, pahina ng impormasyon ng pasyente na naglalaman ng impormasyon ng mga karaniwang sakit at mga form ng pahintulot. Ang mga materyales na ito ay magagamit sa Tsino, Ingles, at iba pang mga wika kabilang ang Arabic, Bahasa Indonesia, Bengali, French, German, Hindi, Japanese, Korean, Malay, Nepali, Portugese, Punjabi, Sinhala, Spanish, Tagalog, Thai, Urdu at Vietnamese. Ang mga pasyente ay maaaring magpahiwatig sa staff ng HA sa kanilang sariling wika sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga watawat ng bansang pinagmulan/ mga karatula ng wikang pangsenyales na ipinapakita sa ibaba.
Sa kasalukuyan, ang serbisyong interpretasyon ay pangunahing ibinibigay sa pamamagitan ng isang contractor ng serbisyo, ang freelance na tagapagsalin para sa Administrasyong Hudikatura (kabilang ang mga wikang Tsino), mga naaangkop na Tanggapan ng Embahada/ Konsulado (maliban sa wikang pangsenyales) o mga boluntaryo. Ang kasalukuyang kontraktor ng serbisyo ay nagbibigay ng serbisyo ng interpretasyon para sa 17 wika (Arabic, Bahasa (Indonesia), Bengali, French, German, Hindi, Japanese, Korean, Nepali, Pushto, Punjabi, Sinhala, Spanish, Tagalog, Thai, Urdu at Vietnamese), kabilang ang wikang pangsenyales
Ang mga pasyenteng etnikong minorya na kailangan ang serbisyo ay maaaring humingi ng tulong mula sa mga kawani ng ospital sa ilalim ng sumusunod na mga sitwasyon.
Sitwasyon |
Halimbawa |
Mga Serbisyong Pag-i-interpret |
Kontak |
1. Ang pasyente ay may medikal na appointment slip / referral letter |
Medikal na appointment sa mga klinika para sa pangkalahatang outpatient at espesyalistang klinika |
· Gumawa ng maagang appointment para sa serbisyong pag-i-interpret sa lugar o serbisyong pag-i-interpret sa telepono
|
· Tanggapan sa Pagrerehistro ng Pangkalahatang Outpatient
· Tanggapan sa Pagrerehistro ng Specialist Outpatient
· Mga Ward / Unit
|
2. Pasyenteng walang appointment sa AED / Enquiry Counter |
Pagpasok sa ospital sa panahon ng emergency |
· Tumawag para sa agarang serbisyo ng pag-i-interpret sa telepono
· Agarang serbisyo sa pag-i-interpret sa lugar
|
· Pagrerehistro sa Accident & Emergency Department
· Enquiry Counter
|
Mga detalye ng mga uri ng wikang makukuha at ang kanilang oras ng pagseserbisyo mula sa contractor ng serbisyo:
Mga Oras ng Pagseserbisyo |
Lunes – Linggo
kabilang ang mga Public Holiday
(Oras: 0800-2200)
|
Lunes – Linggo
kabilang ang mga Public Holiday
(Oras: 22:01-07:59) (hanggang buong gabi)
|
Uri ng mga Serbisyo |
Serbisyong pag-i-interpret sa lugar / Serbisyong pag-i-interpret sa telepono
|
Serbisyong pag-i-interpret sa telepono |
Mga Uri ng Wika |
Arabic / Bahasa (Indonesian) / Bengali / French / German / Hindi / Japanese / Korean / Nepali / Pushto / Punjabi / Sinhala / Spanish / Tagalog / Thai / Urdu / Vietnamese
Wikang Pansenyales |
Bahasa(Indonesian) / Bengali / Hindi / Nepali / Punjabi / Tagalog(Filipino) / Thai / Vietnamese / Urdu |
Liban diyan, naghahandog din ang HA ng mga sumusunod na dokumento at pahina ng impormasyon upang mapahusay ang komunikasyon sa pagitan ng kawani ng ospital at mga pasyente ng iba’t ibang lahi upang mapangasiwaan ang kanilang pagrerehistro at ang paghahatid ng mga serbisyo:
- Mga cue card ng Karaniwang Tugon
- Impormasyon tungkol sa mga karaniwang mga sakit (hal., sakit ng ulo, dibdib at lagnat)
- Impormasyon tungkol sa pamamaraan sa paggamot (hal. pagsasalin ng dugo at mga isyu sa kaligtasan ng radiation therapy
- Ang mga serbisyo ng HA (hal. mga babayaran at singilin at ang sistema ng pag-uuri ng Accident & Emergency Department)
Probisyon ng Pagkain para sa mga In-patient
Batay sa kalagayan ng in-patient siya ay makakahiling sa hospital staff na maghatid ng Halal o vegetarian na pagkain kung kailangan.
Kung may anumang pagkakasalungatan o ambiguity sa pagitan ng Ingles na bersyon at ang Tagalog na bersyon, ang Ingles na bersyon ay mangingibabaw.