Pag-aalaga sa kalusugan ng ating komunidad
Ang Awtoridad ng Ospital (HA) ay isang legal na grupo na itinatag sa ilalim ng Ordinansa ng Awtoridad ng Ospital noong 1990. Kami ay naging responsable para sa pamamahala ng mga serbisyo ng mga pampublikong ospital ng Hong Kong mula noong Disyembre 1991. Kami ay nananagot sa Espesyal na Administratibong Pangrehiyong Pamahalaan ng Hong Kong, na nagsasagawa ng pangkalahatang polisiya sa kalusugan para sa Hong Kong at pinapamahalaan ang mga trabaho ng HA.
Pinapamahalaan namin ang 43 mga ospital at institusyon, 49 mga Specialist Out-patient na mga Klinika (SOPCs), at 73 Pangkalahatang Outpatient na Klinika (GOPCs). Mula 31 Marso 2022, mayroon kaming halos 90,000 na mga kawani at halos 30,000 mga kama.
Noong 2022/23, aming naitala ang:
- 1.73 milyon na mga inpatient at day-patient na lalabas na (discharges);
- 1.74 milyon na bilang (attendances) ng mga Aksidente at Emergency;
- 8.04 milyon na bilang (attendances) ng Outpatient sa Espesyalista (klinikal);
- 3.01 milyon na bilang (attendances) ng Allied Health (outpatient)
- 5.32 milyon na bilang (attendances) sa pangunahing pangangalaga; at
- 2.04 milyong pagbisita na pang-outreach sa komunidad.
Inuuna ang mga tao
Ang Awtoridad ng Ospital ay isang "tao-muna" na organisasyon. Ginagabayan ang aming trabaho ng aming Pananaw, Layunin, at Pagpapahalaga (Vision, Mission, and Values). May pananaw na tumulong sa mga tao na manatiling malusog, tumutulong kami patungo sa katuparan ng patakaran ng Hong Kong SAR Government na "walang sinuman ang dapat pigilin, sa pamamagitan ng kakulangan ng kakayahan, mula sa pagkuha ng sapat na medikal na paggamot". Upang ito ay makamtan, tinitiyak namin na ang lahat ng miyembro ng komunidad ay may access sa komprehensibo, abot-kaya, angat ang pagka-propesyonal at nakatuon sa mga tao na mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan upang makaiwas sa sakit, nakakalunas at rehabilitasyon.
Kung may anumang pagkakasalungatan o ambiguity sa pagitan ng Ingles na bersyon at ang Tagalog na bersyon, ang Ingles na bersyon ay mangingibabaw.